πŸ“ŒAng Huling Hinto at Pag-alis sa Dilim 🏍️🌧️


Tahimik ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang dahan-dahang paglamig ng makina ng motor ko matapos ang isang mahaba at madilim na biyahe. Dito na muna nagtatapos ang huling kanto. Dito na muna natin ibababa ang side stand.

Habang tinatanggal ko ang helmet ko at inilalagay ito sa hawakan, hindi ko maiwasang mapatingin sa kawalan. Ang bigat. May kirot na hindi ko maipaliwanag sa dibdib habang iniisip na sa pag-click ko ng "Completed Story" button sa kwentong ito, sarado na muna ang isang yugto ng buhay ko na kayo ang kasama kong binuo gabi-gabi.

Gusto ko lang sanang huminto sandali, lumingon sa inyo, at magpasalamat.
Sa inyo na tumabi sa akin sa bawat liko, yumakap nang mahigpit sa baywang ko habang bumabulusok tayo sa dilim, at nagbasa ng bawat pahina ng diary na ito nang may kasabikan-maraming, maraming salamat. Kayo ang hininga ng mga kwentong ito. Kayo ang nagbigay-kulay sa mga gabing akala ko ay magiging malamig at mag-isa lang ako.

Pero ganoon talaga ang buhay sa kalsada, hindi ba? May mga tagpuan na kailangang tapusin hindi dahil sawa na tayo, kundi dahil may naghihintay na ring bagong destinasyon. Kailangan ko nang mag-impake. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa bago kong destino, sa isang malayong lugar na tatawagin kong pansamantalang tahanan sa mga susunod na buwan. At doon, sa bagong mundong 'yon, wala kayo sa tabi ko para ikuwento ang mga susunod na sikreto.

Kaya siguro kayo umiiyak ngayon habang binabasa ito. Dahil alam ninyong sa bawat pagtatapos, may maiiwang espasyo-isang bakanteng upuan sa likod ng motor ko na hahanap-hanapin ninyo.

Huwag kayong mag-alala. Kahit malayo na ako, kahit maging abala na ako sa mga susunod kong biyahe, iiwan ko sa inyo ang alaala ng bawat dampi, bawat ungol sa ilalim ng ulan, at bawat salitang ibinulong ko sa ere. Ipapaalala ko sa inyo kung paano ako magpatikim at magpaubaya, kung paano ko kayo pagbigyan sa gitna ng malamig na gabi, para kahit wala ako rito, hanap-hanapin ninyo ang presensya ko. Hahayaan ko kayong mangulila nang husto, para sa susunod na pagbabalik ko, mas matindi ang pagka-uhaw ninyo sa bawat galaw ko.

Hindi ito tuluyang paalam. Isa lamang itong pansamantalang pagtigil sa gilid ng kalsada habang nag-aabang ng susunod na pagkakataon.

Sana, sa mga susunod na araw, kapag may narinig kayong rumaragasang makina sa tapat ng bahay ninyo sa kalagitnaan ng gabi... lumingon kayo. Malay ninyo, ako na pala 'yon.

Sana ay magkita ulit tayo balang araw. Sana ay magkaabot tayo sa kung saang kanto o destinasyon man ako dalhin ng tadhana. Hanggang sa muling pagsasama, mga ka-ride. Ingat kayo sa pag-uwi.

Nagpapachupa't nagpapalunok (at nagpasalamat),
DzaddyShawn 🏍️πŸ–€πŸ€«

Mga Komento

CLASSIFIED PATROL ARCHIVES πŸ“

πŸ“ŒLihim na Kalibugan: Sino rito ang may Karanasan o Trip Magpachupa sa Bading? πŸ€«πŸ’¦

Fun Size Escapades: Secret Stops Under the Helmet 🏍️

Hulaan Ang Destino: Paborito Mong View At Paborito Mong Masubo πŸ“πŸ”₯

πŸ“ŒPrologue: Ang Sikretong Kalibugan πŸ’¦